MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang Pilipinas ay mag- ”constructively engage” sa Estados Unidos sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and Related Summits sa Malaysia sa susunod na linggo.
Sa press briefing, tinanong si DFA spokesperson Angelica Escalona kung sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump ay magpupulong sa ASEAN Summit at kung ang presensiya ni Trump sa pagpupulong ay kapaki-pakinabang o hindi.
”There are reports that he will attend but we are still waiting for chair Malaysia to make an announcement. How concerned are we? As regards ‘yung sa US natin, for us it’s really about engaging the US… in these economic fields,” ang sinabi ni Escalona.
”We will work with our ASEAN partners in finding ways to constructively engage with the US,” dagdag na wika nito.
Hindi pa masabi ni Escalona kung ang US tariffs ay pag-uusapan sa sidelines ng Summit.
Sa kabilang dako, sinabi ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, kasalukuyang chairman ng ASEAN, na dadalo ang Republican leader sa miting subalit wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Washington.
Matatandaang, nito lamang Setyembre, sinabi ni US Trade Representative Jamieson Greer na inaasahan na isasapinal na ng Estados Unidos ang trade deals sa ilang Southeast Asian countries sa nalalapit na mga buwan.
Sa ulat, ang tariff rates ay itinakda sa 19% at 20% para sa karamihan sa rehiyon. Ang Pilipinas ay mayroong 19% rate, Laos at Myanmar ay may 40% rate, habang ang Singapore ay mayroong 10% tariff.
Ang 19% tariff rate ay mababa sa 20% na ibinala ni Trump para sa Maynila, subalit mas mataas sa 17% rate na itinakda para sa buwan ng April nang ianunsyo ni Trump ang tinatawag niyang reciprocal tariff rates para sa dose-dosenang mga bansa.
Para sa Pangulo, ang rate na ito ay ”significant achievement.”
Aniya pa, hindi lahat ng kalakal na pumapasok sa Pilipinas mula sa Estados Unidos ay makakukuha ng zero tariff. Kris Jose