Home NATIONWIDE Palasyo sa protesters: ‘Wag dungisan Pilipinas sa walang basehang protesta

Palasyo sa protesters: ‘Wag dungisan Pilipinas sa walang basehang protesta

4
0

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga nagprotesta kabilang na ang mga Filipino sa ibang bansa na ang public demonstrations ay kailangan na nakasalig sa katotohanan.

Binigyang diin nito na ang ‘freedom of expression’ ay dapat na “always go hand in hand with responsibility.”

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ginagalang ng administrasyon ang karapatan ng mapayapang pagpapahayag subalit nag-iingat laban sa mga aksyon na maaaring ma-misrepresent ang bansa o parupukin ang imahe nito nang walang batayan ng katotohanan.

“Ang tanong natin ay ang kanila bang sinisigaw ay may katotohanan, ang kanila bang sinisigaw ay mayroong basehan, kung ang kanila bang sinisisgaw ay talagang paninira lamang o walang dahilan kundi ibaba ang bansang Pilipinas sa mata ng ibang bansa,” ayon kay Castro.

Ang pahayag na ito ng Castro ay tugon sa protesta na ginawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas kundi maging sa mga pinoy sa Canada, kung saan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagkaroon ng four-day official visit.

Ani Castro, kinikilala ng gobyerno ang protesta bilang bahagi ng democratic societies, sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Gayunman, binigyang diin nito na ang kritisismo ay dapat na suportado ng ebidensiya at hindi ginagamit para dungisan ang reputasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

“Hindi ba dapat minamahal natin ang sarili nating bansa, hindi sa pamamagitan ng walang basehan. Huwag nilang sirain ang sarili nating bansa,” ani Castro.

Aniya pa, habang ang mga mamamayan ay malaya na ihayag ang kanilang hinaing at saloobin, ang nasabing kalayaan ay hindi dapat ginagamit para magpalakat ng hindi beripikadong impormasyon.

Muli namang inulit ni Castro na ang tanggap ng administrasyon ang mga ‘constructive criticism’ subalit binabasura nito ang mga walang basehan na akusasyon.

“Lahat ng nagpu-protesta, kung lahat kayo ay may ebidensya, kayo po ay malaya,” ang tinuran ni Castro.

“Although may freedom of expression, lahat nang kanilang sinasabi ngayon ay walang basehan kundi puro mga ingay lamang,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here