MANILA, Philippines- Naglabas ng show cause order ang Commission on Eletions (Comelec) laban kay Palawan third district congressional candidate Abraham Mitra dahil sa umano’y pagkakasangkot sa vote-buying matapos umanong mag-alok ng libreng movie tickets sa kanyang Facebook post.
Ayon sa poll body, ang post ni Mitra noong Abril 2, 2025 sa Facebook ay nagpakita na habang tumatakbo bilang kandidato para sa House of Representatives, nag-alok siya ng libreng movie ticket sa publiko.
Noong Abril 4, 2025 nag-post din si Mitra ng mga larawan mula sa block screening ng parehong pelikula kung saan naroon siya kasama ng mga taga-suporta at iba pang indibidwal.
Binigyan ng Comelec si Mitra ng tatlong araw na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maharap sa reklamong election offense o petition for disqualification. Jocelyn Tabangcura-Domenden