MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang shear line sa Palawan at Visayas, habang Northeast Monsoon o Amihan naman ang makakaapekto sa Luzon ngayong araw, Enero 28.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Palawan, Dinagat Islands, at Surigao del Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat din na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa easterlies.
Samantala, maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang iiral sa Batanes at Cagayan dahil sa Amihan.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil pa rin sa kaparehong weather system. RNT/JGC