Home NATIONWIDE Palit-pangalan ng DOH ‘di na itutuloy

Palit-pangalan ng DOH ‘di na itutuloy

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na hindi na itutuloy ang panukala na baguhin ang pangalan ng ahensya sa “Department of Health and Wellness.”

Sa isang panayam, sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na sinabihan siya ni DOH Secretary Ted Herbosa na magsagawa ng cost analysis para sa pagappalit ng pangalan ng ahensya.

“Sabi nga ng Secretary (Herbosa), hindi niya sukat akalain, mapi-pick up ‘yun na talagang magkakaroon siya ng traction” sabi ni Domingo sa ulat.

Ayon kay Domingo, inaalala ng kalihim na kung magastos ang pagappalit ng pangalan ay hindi na ito isusulong pa ng ahensya.

Binigyang-diin din na ang interes ng DOH ay hindi ang branding kung ang mahalaga ay ang serbisyo.

“Because the definition of health is not merely the absence of disease but also a complete state of physical and mental well-being,” sabi ni Domingo.

Ipinahayag ni Herbosa noong Hulyo 1 na pinag-iisipan niyang baguhin ang pangalan ng DOH upang i-highlight ang kamalayan sa promosyon ng kalusugan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)