Home NATIONWIDE Pamahalaan ‘on track’ sa pagpapababa ng poverty incidence – NAPC

Pamahalaan ‘on track’ sa pagpapababa ng poverty incidence – NAPC

233
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Anti Povery Commission (NAPC) nitong Biyernes, Agosto 23 na ‘on track’ ang pamahalaan pagdating sa target nitong mabawasan ang poverty incidence sa bansa.

Ayon kay NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos III, makikita ito sa bilang mula noong nakaraang taon.

“Ang ini-expect natin na poverty incidence by 2023 given the target ay nasa 16.4% but we achieved 15.5%. So, we can say the target of our government is really on track,” sinabi ni Santos sa public briefing.

Tinukoy ng Philippine Statistics Authority ang “poverty incidence” bilang “proportion of Filipinos whose per capita income cannot sufficiently meet the individual basic food and non-food needs.”

Samantala, aminado si Santos na dapat muling suriin ang P64 kada araw na food-poor threshold na sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA).

“Ang DSWD ay nagsabi na din na kailangang tingnan at balikan upang ito ay magkaroon ng napapanahong assessment at ganyan din iyong pagtingin ng National Anti-Poverty Commission. Of course, hindi tayo masaya na ang pamilyang Pilipino ay mabubuhay lamang kada tao sa 64 pesos, hindi ito ang pangarap ng NAPC,” aniya.

“Ang pangarap natin ay magkaroon ng kalidad na buhay at mas makabili ang ating mga mamamayan ng mas akmang pagkain doon sa kanilang pangangailangan na mayroong kalidad, hanggang doon sa kalidad ng buhay,” dagdag ni Santos.

Dapat ding suriin ang minimum wage ng mga manggagawa kaugnay sa food-poor threshold na tinukoy ng NEDA.

“Kailangan din nating tingnan ang mga minimum wage ng ating mga manggagawa at ito ay related doon sa food threshold ‘no, at kailangan din nating tingnan ang kinikita ng ating mga mangingisda, tingnan din natin ang sitwasyon ng ating mga workers in the informal sector upang magkaroon sila ng dagdag na tulong mula sa pamahalaan,” ayon kay Santos. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here