Home NATIONWIDE PAOCC naghain ng oposisyon sa hirit ng mga abugado ni Guo sa...

PAOCC naghain ng oposisyon sa hirit ng mga abugado ni Guo sa DOJ

MANILA, Philippines – Tinutulan ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) ang kahilingan ng kampo ni dating Bamban Mayor Alice Guo na muling buksan ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong human trafficking.

Sa dalawang pahinang opposition paper, sinabi ng PAOCC na dapat ibasura ng DOJ ang mosyon ng mga abugado ni Guo na buksan ang imbestigasyon dahil imposibleng nakaharap ng personal si Guo sa notary public upang panumpaan ang kanyang counter affidavit dahil nakalabas na ito ng bansa nito pang Hulyo.

Ang kontra-salaysay ay sinasabing ipina-notaryo ni Guo noong Agosto 14 sa isang abogado sa Bulacan.

Ngunit duda ang PAOCC na personal na pinanumpaan ni Guo ang kaniyang counter-affidavit sa notaryo, dahil nakaalis na ito ng bansa noon pang Hulyo 18.

“In fact, respondent Guo did not personally appear before any of the membersof the panel to submit her motion and its attached counter affidavit.”

Ayon pa sa PAOCC, lagpas na rin ito sa itinakdang deadline ng pagsusumite.

Una nang inihayag ng DOJ Panel of Prosecutors na submitted for resolution na ang reklamong human trafficking matapos hindi dumalo si Guo sa mga idinaos na preliminary investigation. TERESA TAVARES