Home HOME BANNER STORY Pamalakaya: Presyo ng isda posibleng tumaas pa ngayong Holy Week

Pamalakaya: Presyo ng isda posibleng tumaas pa ngayong Holy Week

161
0

MANILA, Philippines – Nagbabala nitong Martes, Marso 31, ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas na posibleng lalo pang tumaas ang presyo ng isda ngayong Semana Santa dahil sa mas mataas na demand at pagtaas ng presyo ng krudo.

Ayon sa grupo, ang patuloy na oil price shock ay “drastically increased” ang gastos sa produksyon sa industriya ng pangingisda, na maaaring magdulot ng pagtaas sa bentahan sa pamilihan.

Sinabi ni Fernando Hicap na ang kakulangan ng aksyon ng gobyerno sa oil crisis ay direktang makakaapekto sa mga konsyumer, lalo na sa mga Pilipinong Katoliko na hindi kumakain ng karne tuwing Holy Week.

“There were reports that retail prices of fish have already increased by 20 percent over the weekend. But we want to clarify that the high retail price of seafood never reflects the farmgate price, as fish traders procure them to small fisherfolk at a very low price,” aniya.

Ibinunyag din ng Pamalakaya na habang tumaas ng 120% ang gastos sa krudo ng mga mangingisda, nananatiling mababa ang presyo ng kanilang huli dahil sa umano’y “control and underpricing” ng mga trader.

Bilang halimbawa, ang alimasag sa Manila Bay ay ibinebenta sa P500 hanggang P600 kada kilo sa retail, ngunit nasa P180 hanggang P200 lamang ang farmgate price.

Sinabi ng grupo na mino-monitor nila ang presyo ng isda sa mga pangunahing pamilihan tulad ng Navotas Fisheries Port Complex at Bulungan Seafood Market sa Parañaque.

Nauna na ring iniulat ng Pamalakaya na karamihan sa maliliit na mangingisda sa Cavite ay hindi na muna pumapalaot dahil sa mahal na diesel, dahilan para hindi na sila makabawi sa gastos sa pangingisda. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here