Home HOME BANNER STORY Pamamaslang sa vice mayor ng South Upi, kinondena ng Bangsamoro gov’t

Pamamaslang sa vice mayor ng South Upi, kinondena ng Bangsamoro gov’t

MANILA, Philippines – Kinondena ng Bangsamoro government nitong Sabado, Agosto 3 ang pananambang at pagpatay kay South Upi Vice Mayor Roldan Benito.

“This senseless act of violence is a stark reminder of the challenges we face in our region,” saad sa pahayag ng Bangsamoro government.

“It is a direct attack on the progress we have made towards peace, unity, and development. We cannot allow the perpetrators of this heinous crime to go unpunished.”

Nanawagan si Chief Minister Ahod Ebrahim ng masusing imbestigasyon sa insidente at inatasan ang concerned agencies sa Bangsamoro Autonomous Region na tumulong sa imbestigasyon.

“The Bangsamoro Autonomous Region is built on the foundation of inclusivity and diversity. We are a region comprised of various ethnic and religious groups, each with their unique cultures and traditions… Violence has no place in our region. Together, let us work as one Bangsamoro to address the root causes of conflict and create an environment where everyone feels safe and protected,” sinabi pa sa pahayag.

Samantala, kinondena rin ni Maguindanao del Sur Governor Mariam Mangudadatu ang pamamaril at nakiramay sa naulilang pamilya.

“Ang nasabing pangyayari ay nagdulot ng takot at pangamba sa nasabing bayan. Ito ay malinaw na taliwas at paglalapastangan sa kapayapaang isinusulong sa probinsya… Hangad namin ang mabilisang pagresolba ng kaso at hustisya para sa lahat ng mga biktima,” pahayag ni Mangudadatu.

Kinondena rin ng Maguindanao del Sur Police ang pagpatay.

“The Maguindanao del Sur Police Provincial Office Strongly Condemned the ambush involving Vice Mayor ROLDAN M BENITO who were ambushed by lawless elements that resulted in the deaths of the victim and his nephew,” saad sa pahayag.

Ayon sa provincial police office, dalawa pa sa kaanak ni Benito ang nasugatan sa nangyaring pananambang nitong Biyernes, Agosto 2 sa Sitio Linao, Brgy Pandan, South Upi.

Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na isumbong ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa pulisya. RNT/JGC