MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si newly appointed Department of Trade and Industry (DTI) Acting Secretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque na pataasin ang kondisyon at competitiveness ng micro, small, and medium enterprises (MSME) sector ng bansa.
“The marching order is really to be able to uplift the income and to be able to uplift the MSMEs, and also to make use of digitalization as a way to be able to live and to level up the MSMEs,” sinabi ni Roque nitong Sabado, Agosto 3.
“So, because remember, if we can increase the income of MSMEs even by 10%, this will have a big contribution to our economy,” dagdag pa niya.
Matatandaan na nitong Biyernes, Agosto 2 ay inanunsyo ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Roque, kapalit ni Alfredo Pascual na umepekto sa kaparehong araw ang pagbibitiw nito sa pwesto.
Bago ang pagkakatalaga bilang acting Trade chief, si Roque ay naging undersecretary for MSME development ng DTI.
Aniya, kailangang gumamit ng MSMEs ng mga digital tool para palakasin ang kanilang competitiveness.
“This is a very important sector of the businesses in our country because it comprises 99.5% of the businesses in our country and 60% of the labor force; therefore, this cannot be ignored,” sinabi pa ni Roque.
Dagdag pa niya na magpapatupad ang DTI ng five-point strategy para sa MSMEs, at bahagi rito ay ang pagtutok sa digitalisasyon at artificial intelligence (AI), diversification, at probisyon ng pondo.
Dahil ang Pilipinas ay binubuo umano ng mahigit 7,000 isla, dapat ay maging digital ang mga negosyo upang makapaghatid ng impormasyon, makapagbenta ng produkto at makapaghatid ng mensahe sa lahat ng mga consumer.
“So, we must go digital, and we must also use AI to be able to help us or to assist us in, for example, a question-and-answer. So, instead of putting time and effort into answering questions or replying to different text messages or inquiries, we can use AI to be able to do this part while we focus on growing our business,” anang acting Trade chief.
Pagdating naman sa diversification, sinabi ni Roque na ang mga negosyo sa bansa ay hindi dapat umasa sa nag-iisa lamang na source of income at dapat ay mayroong ikalawang source upang masiguro ang seguridad at profitability.
Para pondohan ang operasyon ng MSME, mag-aabot ang pamahalaan ng accessible at affordable loans na may mababang interest rates.
“When we started to come in, we made loans easier for the MSME—before you needed to have collateral,” ani Roque, na tumutukoy sa financial assistance scheme para sa mga MSME.
“So, we have to understand that MSMEs don’t have collateral; they’re just, actually, some startups, some are just getting started, so definitely they don’t have collateral,” dagdag ni Roque.
Si Roque ay nagsilbi bilang chairperson ng SB Corp.—the Small Business Corporation, na nagpopondo sa mga inisyatibo para sa MSME development. RNT/JGC