Home METRO Pamangkin ng nanalong kongresista patay sa pananambang, 1 pa damay

Pamangkin ng nanalong kongresista patay sa pananambang, 1 pa damay

222
0

ZAMBOANGA CITY- Patay ang pamangkin ng nanalong mambabatas sa ikalawang distrito sa lungsod na ito habang tinamaan ang isang rider ng stray bullet matapos tambangan at pagbabarilin ang una ng hindi pa kilalang riding in tandem, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Michael Kubili Perez, 41, residente ng Barangay Guiwan, Zamboanga City, pamangkin ni elected Cong. Jerry Perez at Alkan Omar, nasa hustong gulang at taga-Barangay Tumakid, Lamitan City, Basilan na sakop ng Bangsamoro Region.

Batay sa report ng Zamboanga City Police Office, bandang alas-7 ng gabi naganap ang krimen sa Governor Alvarez Street sa naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo sina Perez at John Kyle Manlupig, galing sa isang bilyaran, nang paputukan ng dalawang lalaking nakaabang sa kanila sa naturang lugar.

Tinamaan sa ulo si Perez habang nagawang tumalon sa motorsiklo ni Manlupig at tumakbo palayo.

Nagawa pa itong habulin ng mga suspek ng putok ng baril subalit minalas na nasapol si Omar, na nagkataong napadaan lamang ito sa nasabing lugar.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa ospital ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang mga ito.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen para sa agarang pagdakip sa mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here