Home NATIONWIDE Pamilya ni Gretchen Ho tinanggihang magpalit ng dolyar sa Norway sa isyu...

Pamilya ni Gretchen Ho tinanggihang magpalit ng dolyar sa Norway sa isyu ng korapsyon sa Pinas

337
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni TV host at mamamahayag Gretchen Ho na isa sa kanyang mga kamag-anak ay hindi pinayagang magpalit ng dolyar sa paliparan sa Oslo, Norway matapos sabihing may kinalaman ito sa korapsyon at money laundering sa Pilipinas.

Ayon kay Ho, nagtangkang magpalit ng humigit-kumulang USD 300 (₱20,000) ang kanyang kamag-anak ngunit tinanggihan nang malaman ng teller na galing sila sa Pilipinas.

“Lady at the counter goes—‘You came from the Philippines? We cannot exchange your dollars because of the corruption and money laundering in the Philippines,’” pahayag ni Ho.

Matapos niyang ibahagi ang insidente, kinumpirma ng isang netizen na totoo ito matapos tawagan ang Loomis valutaveksling sa Oslo Gardermoen Airport, na nagsabing hindi sila tumatanggap ng USD mula sa mga Pilipinong residente ng Pilipinas alinsunod sa EU at NATO anti-money laundering rules.

Ipinahayag ni Ho ang kanyang pagkalito dahil tinanggal na ng European Union ang Pilipinas sa high-risk list nito noong Agosto. Aniya, makikipag-ugnayan siya sa Philippine Embassy sa Norway upang malinawan ang sitwasyon.

Sa kanyang update, sinabi ni Gretchen na nakapanayam na niya ang Philippine Ambassador sa Norway, na nagulat din sa insidente at makikipagpulong sa Norwegian foreign ministry upang alamin ang dahilan.

“Gusto naming malinawan kung may bagong patakaran o kakulangan lang sa pag-update ng impormasyon,” ani Gretchen. “Hindi lang ito tungkol sa pamilya namin, kundi para rin sa ibang Pilipinong nakaranas ng ganitong sitwasyon sa Oslo.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here