Home NATIONWIDE Pampanga bettor, instant milyonaryo sa Megalotto

Pampanga bettor, instant milyonaryo sa Megalotto

177
0

MANILA, Philippines – Isang mananaya mula sa Pampanga ang nanalo ng mahigit ₱37 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nakuha ng nanalo ang kumbinasyong 17-15-32-45-40-12 para sa kabuuang jackpot na ₱37,032,365.47.

Samantala, walang nanalo sa ₱45,000,000.00 jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makahula sa tamang kumbinasyong 03-14-25-13-23-22.

Isinasagawa ang Megalotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ginaganap naman ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here