Home NATIONWIDE Pamunuan ng MNC muling nanawagan sa publiko

Pamunuan ng MNC muling nanawagan sa publiko

MANILA, Philippines – Nanawagan ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa mga magulang na dumaan sa Manila Social Welfare Desk bago pumasok sa sementeryo.

Ito ay makaraang mawalay sa mga magulang ang ilang mga bata na kasama sa pagpunta sa sementeryo.

Panawagan ng MNC, magpatala sa social welfare desk upang maitala ang pangalan at ilang impormasyon ng kanilang anak sakaling ito ay mahiwalay sa buhos ng maraming tao.

Ngayong hapon ng Biyernes, Nobyembre 1, dalawang bata ang kasalukuyang hinahanap — isang apat na taong gulang at siyam na taong gulang na mahiwalay sa kanilang magulang.

Nawawala rin ang isang Person’s With Disability (PWD).

Kasabay nito, mahigpit na nagpaalala ang Manila Police District sa publiko na huwag na lamang isama ang mga batang maliliit at mga senior citizens upang hindi na mapagod pa at maiwasan ang ganitong pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden