Home METRO Panalangin hirit ng Manila Archdiocese sa gitna ng ‘political turmoil’

Panalangin hirit ng Manila Archdiocese sa gitna ng ‘political turmoil’

MANILA, Philippines- Nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga Filipino na bumalik sa pagdarasal sa gitna ng tensyon sa politika sa bansa.

Sinabi ng Cardinal na nasasaksihan ngayon ang tensyon na nangyayari sa bansa dahil sa away-politika kung saan maraming mga opinyon at pananaw sa iba’t ibang platfomrs.

Nawawagan ang Cardinal sa lahat ng parokya at komunidad na dasalin ang ‘Oration Imperata for the Nation’ araw-araw matapos ang Post-Communion Prayer sa lahat ng Misa simula sa ikatlong Linggo ng Kuwaresma sa Marso 22 at Linggo, Marso 23.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang panalangin ay isang mahalagang gawain sa pagtamasa para sa kapayapaan, katarungan at pagkakaisa. Jocelyn Tabangcura-Domenden