Home NATIONWIDE Pope Francis nagpapalakas sa ospital – kardinal

Pope Francis nagpapalakas sa ospital – kardinal

MANILA, Philippines- Dahan-dahan nang bumabawi ng lakas si Pope Francis sa ospital ngunit kailangan muling matutong magsalita pagkatapos ng matagal na paggamit ng high-flow oxygen therapy, sinabi ni cardinal Victor Manuel Fernandez noong Biyernes.

Ang cardinal na siyang pinuno ng Vatican doctrinal office ay ibinasura ang haka-haka na magreretiro na ang papa at sinabing babalik siya sa kanyang dating pagkatao.

Sa pinakahuling update sa kanyang kalusugan na inilabas noong Biyernes, sinabi ng Vatican na ang kondisyon ng papa ay nanatiling stable na may bahagyang pagbuti sa kanyang paghinga at paggalaw.

Wala pang opisyal na pahayag kung kelan makababalik ang papa sa Vatican at sinabi ni Fernandez na hindi niya alam kung makalalabas na ito para sa Kuwaresma na papatak sa Abril 20.

Ang papa ay nanatili sa ospital sa Roma at makaraang makaranas ng kondisyon sa kalusugan ay naging prone sa lung infections. Jocelyn Tabangcura-Domenden