Home NATIONWIDE Empleyado ng Provincial Capitol utas sa metal railings ng tulay

Empleyado ng Provincial Capitol utas sa metal railings ng tulay

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 22-anyos na empleyado ng Provincial Capitol ng Ilocos Sur matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal railings ng Urdas Bridge sa Brgy. Bantaoay, San Vicente ng lalawigang ito pasado alas-12 ng madaling araw ngayong Sabado.

Kinilala ng San Vicente Municipal Police Station ang biktima na si John Carlo Refuerzo y Pico, walang asawa, residente ng Sitio Pinto, Brgy. Tay-ac, Bantay, Ilocos Sur..

Minamaneho ng biktima ang kulay gray na Yamaha NMax motorcycle at bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa Provincial Road sa naturang lugar nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan hanggang sa bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa metal railings ng tulay.

Dahil dito, sugatan ang driver na agad na isinugod sa Metro Vigan Hospital ng mga rumespondeng PNP at RHU personnel.

Gayunman, ang driver ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso