Home NATIONWIDE Panalangin sa kapayapaan, seguridad ng Pilipinas panawagan ni VP Sara ngayong Eid’l...

Panalangin sa kapayapaan, seguridad ng Pilipinas panawagan ni VP Sara ngayong Eid’l Adha

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa Muslim community na ipanalangin ang kapayapaan at kaligtasan ng bansa mula sa mga kalamidad at iba pang trahedya, kasabay ng paggunita ng Eid’l Adha.

Sa pahayag, sinabi ni Duterte sa mga Muslim na sikapin din ang kahalagahan ng sakripisyo, pagiging mapagpasalamat at kababaang-loob.

“Mahalaga na mapalaganap natin ang diwa ng Eid al-Adha ngayong marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng ating kabutihang loob, kawang-gawa, at malasakit,” anang Bise Presidente.

“Ang aming pakikiisa sa pagdiriwang na ito ay tanda ng ating ugnayan bilang isang bansa na mas pinatibay ng ating paggalang, pagtanggap, at pagmamahal sa isa’t isa sa kabila ng magkaibang salita, relihiyon, o paniniwala.” RNT/JGC