Home METRO Pananakit sa live-in partner itinanggi ni Boy Tapang

Pananakit sa live-in partner itinanggi ni Boy Tapang

CEBU CITY- Sa kabila ng mga pasa sa katawan ng kanyang kinakasamang si Cristina Morales, mariing itinanggi ni Ronie Suan mas kilalang “Boy Tapang” na isang Cebuano vlogger ang pananakit dito, matapos arestuhin ng mga awtoridad noong Abril 1, 2025.

Tumagal ng 54 oras na nakulong sa Alcoy Police Station si Suan, at nagbayad ito ng P3,000 bilang piyansa sa kinahaharap na kasong physical abuse sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Sinabi ni Suan, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo nang magkagulo ito at sinira ang kanilang mga gamit, kabilang ang mga appliances, sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Daanlungsod.

Itinanggi rin ni Suan na ang mga haka-haka na ang insidente ay para lamang sa nilalaman ng social media.

“Ito ay hindi para sa content. Para sa akin kasama ito sa isang relasyon na dumaraan sa ilang mga pagsubok. Ito ay isang simpleng gulo na hindi dapat umabot pa sa ganitong sitwasyon,” ani Suan. Mary Anne Sapico