Home METRO Puganteng SoKor national nasakote

Puganteng SoKor national nasakote

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI)ang isang lalaking South Korean national na  wanted ng Interpol at mga awtoridad sa Seoul dahil sa financial fraud nang tinangka nitong umalis ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pasahero na si Jung Hyunjoon, 29, matapos  maaresto sa NAIA terminal 3 habang pasakay ng China Southern Airlines na biyaheng Guangzhou, China.

“He will be deported to Korea to face the cases filed against him,” ayon kay Viado. “Consequently, he will be included in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” dagdag pa ng BI chief.

Ayon kay Dennis Javier, BI-NAIA terminal 3 head supervisor,  nakita ng mga BI Officer ang kanyang pangalan sa Interpol red notice list ng BI.

“He was referred for secondary inspection to our duty supervisors who verified and established that the passenger and the person named in the red notice are one and the same,” ayon kay Javier.

Si Jung ay sangkot sa  voice phishing syndicate dahil sa pagtanggap nito ng  5 million won mula sa biktima ng sindikato noong taong 2022. JAY Reyes