Home METRO P8.5M high grade marijuana buking sa NAIA

P8.5M high grade marijuana buking sa NAIA

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa higit P8.5 milyon halaga ng hinihinalang pinatuyong “high-grade marijuana” o Kush ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isinagawang operasyon noong Miyerkules, Abril 2.

Ayon sa PDEA, nadiskubre ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang mga inabandonang parsela dakong alas-2:30 ng hapon na naglalaman ng humigit-kumulang 5,703 gramo ng pinaghihinalaang “marijuana kush.”

Nabatid sa mga awtoridad na idineklara ang naturang parsel na nahlalaman ng mga Rice TH, unan, pinatuyong prutas, tsaa, at mga laruan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 ang nagpadala gayundin ang tatanggap ng nasabing parcel habang ang mga nakumpiskang kontrabando ay isinumite sa PDEA Laboratory Service para sa laboratory examination. JAY Reyes