NANGAKO si dating world champion Gennady G. Golovkin o kilala sa tawag na GGG na gagawin niya ang lahat upang hindi matanggal ang boksing sa Los Angeles Olympics sa darating na 2028.
Matatandaang hinirang si Golovkin bilang Olympic commision chair na siyang kakausap sa International Olympic Committee para hindi tanggalin ang sport na boxing sa Olympics.
Prayoridad umano niyang mapanatili ang boksing bilang Olympic sports.
Naging Olympic silver medalist si Golovkin noong 2004 at matapos noon ay naging professional boxer na siya na mayroong record na 42 panalo dalawang talo at isang draw.
Kung magugunita, binigyan ng hanggang sa susunod na taon ng International Olympic Committee ang International Boxing Association na patunayan na walang nangyayaring anumang dayaan para hindi matanggal ang boxing sa Olympics.JC