Home METRO PANAWAGAN: Pamilya ng pumanaw na lalaki sa Sta. Ana Hospital pinaghahanap

PANAWAGAN: Pamilya ng pumanaw na lalaki sa Sta. Ana Hospital pinaghahanap

MANILA, Philippines- Nanawagan ang pamunuan ng Sta. Ana Hospital (SAH) sa pamilya ng isang lalaki na kinilala lamang sa alyas “Waray” na nasawi sa kanilang pagamutan nito lamang nakaraang Pebrero 24, 2024.

Ang naturang lalaki na hinihinalang isang senior citizen ay dinala sa emergency room ng SAH noong Pebrero 23, 2024 ng isang concerned citizen na si Rodolfo Mula, 68, ng 2845 Barretto St., Road 5, Barangay 840, Pandacan, Manila. Binawian ng buhay ang biktima dulot ng cerebrovascular disease.

Kasalukuyang nasa  LG Flores Funeral Service sa Pedro Gil St. Sta. Ana, Manila ang labi ng biktima. Iniulat ito ng staff ng SAH Medical Social Service sa kinauukulan at nagkaroon ng kopya ng barangay blotter, police blotter at personal na salaysay ng concerned citizen.

Sa sinumang nakak kilala sa nasawing pasyente ay maaaring makipag-ugnayan kay Liberty P. Basa, Officer-in-Charge ng SAH Medical Social Service Unit sa cellphone number nito: 09231653071. JAY Reyes

Previous articleVape stores na nagbebenta ng e-cigarettes sa mga minor tutugisin ng PNP
Next articleSurigao del Norte itinutulak gawing EDCA site