Home NATIONWIDE Panawagang transparency and accountability ng INC, dinig ng Malakayang – PCO Acting...

Panawagang transparency and accountability ng INC, dinig ng Malakayang – PCO Acting Sec. Gomez

247
0

MANILA, Philippines – Naririnig at nararamdaman ng Malakanyang ang sentimyento ng Iglesia Ni Cristo (INC) na sumisigaw ng transparency at accountability na

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Gomez na kanilang naririnig at nararamdaman ang nasabing sentimyento na siyang isinisigaw ng mga kapatid sa INC at ng marami nating mga kababayan.

Matatandaang, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bago magpasko ay may makukulong, hahabulin ang mga may kasalanan at babawiin ang mga ninakaw na pondo ng bayan mula sa mga dawit na personalidad sa maanomalyang flood control project.

Sinabi pa ni Gomez na magkakaroon din ng pagsasa -ayos sa sistema at ng sa gayon ay hindi na maulit pa ang malawakang katiwalian sa flood control.

Binigyang diin naman ni Gomez, kaisa sila ng mga filipino at ng INC na mapapanagot ang dapat na managot gayundin sa panawagang transparency. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here