Home NATIONWIDE Pandemic health workers benefits mababayaran na sa ihahaing affidavit -Salceda

Pandemic health workers benefits mababayaran na sa ihahaing affidavit -Salceda

242
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni House Special Committee on Food Security Chair at Albay 3rd District Representative Raymond Adrian Salceda na agad nang mabayaran ang mga health workers ng kanilang pandemic benefits sa pamamagitan ng paglagda sa isang affidavit.

Sa ilalim ng panukala ni Salceda, ang bawat health worker na hindi pa rin nababayaran ay gagawa ng sworn affidavit na nagpapatunay na hindi pa sila nakakatanggap ng bayad, kasama sa lalagdaang affidavit ang kanilang eligibility, period at nature ng service at iba pang mahahalagang detalte.

Ang nasabing affidavit ay isusumite sa Department of Health para ivalidate at kasunud nito ay ang pagproseso ng bayad ng Department of Budget and Management habang ang Commission on Audit ang magsasagawa ng post-audit verification.

“Nakakahiya na po kasi. Buwis buhay po ang trabaho ng frontliners noong COVID-19. Utang po ito, literal, ng gobyerno. The Department of Budget and Management is just following the law and I think that is good. But there must be a way to fix this so our health workers are paid while records are being completed. Kung magulo ang records, bawat frontliner na lang po ang gumawa ng sariling affidavit para patunayan ang kanilang serbisyo. Sa confidential funds nga po pwede ang papel lang na pipirmahan, sa health workers pa kaya.” Paliwanag ni Salceda.

Batay sa datos ng Department of Budget and Management ay nasa ₱121.325 billion na ang naipalabas nitong pondo mula 2020 hanggang 2025 para sa  Public Health Emergency Benefits. Kabilang dito ang ₱27.453 billion noong  July 2024 para pambayad sa 5 million Health Emergency Allowance claims at 4,283 sickness at death compensation cases.

Sa kabila nito ay marami pa rin ang hindo nakakatanaggap ng kanilamg sahod noong pandemic.

Ipinaliwanag ni Salceda na ang pagsasagawa ng affidavit ay solusuyon parta matapos na ang delay.

“Hindi po ito simpleng papeles lang. Kabuhayan at karapatan po ito ng mga naglingkod sa pinakadelikadong panahon ng pandemya. Kung may utang tayo sa kanila, dapat ayusin agad at magtulungan tayo.” Giit nito.

Inatasan din ng mambabatas ang Department of Budget and Management at Department of Health na makipagtulungan sa Kongreso para maibigay na ang Health Emergency Allowance(HEA) claims ng mga health workers.

Libo libong health workers ang hindi pa rin nakakatanggap ng kanilang HEA dahil sa recordkeeping issues sa DoH.

Naghain ng House Resolution No. 127 si Salceda na nag aatas sa DBM at DOH na alamin kung magkano pa ang “unpaid benefits” upang maisama ito sa budget ngayong taon, hiniling din ng mambabatas sa House Committee on Appropriations na tiyakin na maisasama ang nasbaing budget sa gagawing deliberasyon ng Kongreso upang mapondohan. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here