Home HOME BANNER STORY Panelo sa mga tanong ng mga solon kay Digong: Mali-maling premises, ‘di...

Panelo sa mga tanong ng mga solon kay Digong: Mali-maling premises, ‘di kasi lawyers

BINATIKOS ni Atty. Salvador Panelo, dating presidential spokesperson at dating chief legal counsel, ang linya ng pagtatanong ng mga miyembro ng House quad committee kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa isinagawang pagdinig nito sa war on drugs, araw ng Miyerkules.

“Most of the times, the premises are wrong kaya ang napapansin ko, yung resource person, the former President, vis-a-vis the one questioning, are not on the same page,” ang sinabi ni Panelo.

“Kaya sabi nila, it’s already boring. Paulit-ulit ang tanong. ‘Yan ang problema kapag hindi lawyers,” dagdag na wika nito.

Kaya nga, si Panelo, nag-alok na ipaliliwanag niya ang sinabi ni Digong Duterte na “he is taking full responsibility on the effects of the drug war.”

“Maliwanag ang sinasabi ni Presidente. Any consequences arising there from, he will assume responsibility. Kaya sinasabi niyan, kung nagkamali yan dahil inutos ko, isama niyo ako sa demanda,” ang winika ni Panelo.

Subalit, binigyang-diin ni Panelo na ang ‘war on drugs’ ng dating administrasyon ay beripikado sa legal ground, ipinag-utos ng dating Pangulo sa mga pulis na hulihin lamang ang mga drug personalities at barilin kung papalag ang mga ito sa pag-aresto.

“When you say ‘I will kill you’, it’s not a crime, ilang ulit niya sinabi yan. Tinatakot niya lang. Marami nga ang natakot,” ang sinabi ni Panelo. Kris Jose