Home METRO 2 wanted nadakma sa manhunt ops sa Valenzuela

2 wanted nadakma sa manhunt ops sa Valenzuela

MANILA, Philippines – DALAWANG wanted person ang swak sa selda matapos madakip sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy., Maysan ang presensya ng 57-anyos na mister na akusado dahil sa kasong homicide.

Inatasan ni Col. Cayaban ang Detective Management Unit (DMU) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na kabilang sa talaan ng mga most wanted persons sa lungsod.

Alas-11:40 ng umaga sa Maysan Service Road, Brgy.,

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City noong November 5, 2024, inaresto ang akusado para sa kasong Homicide.

Samantala,alas-4:00 ng hapon naman nang maaresto sa San Agustin St., Brgy. Karuhatan ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section(WSS) ng Valenzuela police ang 29-anyos na bebot na wanted sa kaso ng pagbebenta ng ilegal na droga.

Ang akusado ay dinakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge RTC Branch 200, Las Piñas City noong October 3, 2024, para sa paglabag sa Sec. 5 of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Merly Duero)