Bulacan – Arestado ang umanoy “numero unong” rapist sa probinsiya ng Marinduque sa manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng Guiguinto.
Kinilala ng pulisya ang naarestong wanted na si alyas Mark, na umanoy Top-1 Most Wanted Person Provincial Level ng Marinduque at Top Most Wanted Person Municipal Level ng Gasan, Marinduque.
Sa report, nahuli ang wanted nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA)ng tracker team ng Guiguinto police station kasama ang Gasan police, PIU Marinduque at Region 4b bandang 2:15 ng hapon nitong Nobyembre 11 sa Brgy. Poblacion, Guiguinto.
Ang WOA sa kasong rape na walang itinakdang piyansa ay inisyu ng Presiding Judge of Family Court, Branch 9, Buac, Marinduque.
Kasalukuyang nasa kostudiya ng naturang istasyon ng pulisya ang naarestong wanted para sa proper disposition. (Dick Mirasol III)