PANGASINAN-Tigok ang isang 30-anyos na lalaki matapos bumangga sa poste ng kuryente ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Matalava, Lingayen ng lalawigang ito nitong Martes, November 12.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay may-asawa, residente ng Hacienda Bugallon, Pangasinan.
Minamaneho ng biktima ang kulay pulang Rusi motorcycle at patungong timog na direksyon sa barangay road sa naturang lugar.
Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay bumangga ang motorsiklo nito sa poste ng kuryente
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na agad na isinugod sa Lingayen District Hospital.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.
Nabatid na walang suot na helmet at amoy alak din ang biktima. Rolando S. Gamoso