Manila, Philippines – Every year ay may reunion sa side ng pamilya ni Mommy Divine Tua Geronimo.
At parating present sa reunion na ito si Sarah Geronimo kung saan ay nakakasalumuha niya ang mga kapatid ng kanyang Mommy Divine na galing pa sa probinsya, gayundin ang iba pang mga kamag-anak.
At kung noong hindi pa si Sarah nag-aasawa kay Matteo Guidicelli ay si Mommy Divine ang madalas mag-host ng party para sa kanilang malaking angkan.
Ngayon, magmula nang ikasal si Sarah kay Matteo ay hindi na raw nagpapakita si Mommy Divine sa said reunion, at ayaw nilang magtagpo sila ni Sarah at Matteo rito.
Chika kasi ng kakilala namin na kalapit lang ng mansiyon ng mga Geronimo sa St. Charbelle sa Mindanao Avenue ay bawal raw pag-usapan si Sarah lalo na kapag nasa bahay si Mommy Divine.
At ito pa ang nakalolokang chika, noong ikasal few years ago ang brother ni Sarah na si Ezekiel, ay um-attend ang singer-actress kasama si Mateo pero hanggang sa reception lang at iniwasan daw talaga sila ni Mommy Divine.
Well, panahon na lang ang makakapagsabi kung kelan magkakabati o magre-reconcile ang mag-ina na dating super close sa isa’t-isa. Peter Ledesma