Home OPINION PHILHEALTH: PROBLEMA SA GAMOT PRESCRIPTIONS, INAAYOS NA

PHILHEALTH: PROBLEMA SA GAMOT PRESCRIPTIONS, INAAYOS NA

185
0

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na aktibo nilang tinutugunan ang mga ulat tungkol sa hirap sa pagkuha ng mga reseta sa ilalim ng prog­ramang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT), na bahagi ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP) primary care package.

Ayon sa ahensya, seryoso ni­­lang tinitingnan ang mga reklamo at nagsimula na silang magpatupad ng mga hakbang upang mapabilis ang proseso sa mga klinikang akreditado ng YAKAP.

Bakit may nararanasang aberya?

Batay sa pagsusuri ng PhilHealth, ang mga pagkaantala sa pagkuha ng GAMOT prescriptions ay dulot ng:
– Mga administrative requi­re­ments.
– Mga “readiness” procedu­res na kailangang tapusin ng ilang healthcare providers bago sila makapagbigay ng libreng gamot.

Bagama’t marami nang YAKAP clinics ang handa, ang iba ay nangangailangan pa ng karagdagang oras para ayusin ang mga prosesong ito upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.

Mga Hakbang ng PhilHealth

Upang masiguro ang ma­ayos na serbisyo, nakikipagtulu­ngan ang PhilHealth sa mga YAKAP clinics sa pamamagitan ng:
– Pagbibigay ng technical support at mga automated tools.
– Pagsasagawa ng onsite validation upang matiyak na handa ang bawat klinika.
– Araw-araw na pag-monitor sa compliance upang agad na maresolba ang mga isyu.

Binigyang-diin ng PhilHealth na layunin nilang matiyak na hindi mahihirapan ang mga miyembro sa pagkuha ng mga kina­­ka­­­i­langang gamot.

Ano ang YAKAP at GAMOT Program?

Inilunsad noong Hulyo 2025, ang YAKAP ay pagpapalawak ng dating Konsultasyong Sulit at Ta­ma (KONSULTA) program. Layunin nito na gawing mas sis­tematiko at abot-kaya ang serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga komunidad na malayo sa ospital.
– Libreng Gamot: Sa ilalim ng GAMOT program, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay may access sa 75 uri ng libreng gamot.
– Cancer Screening: Ma­aari ring sumailalim ang mga miyembro sa libreng screening tests para sa apat na panguna­hing uri ng cancer sa bansa.
– Iba pang Serbisyo: Kasama rin ang mga check-up, basic la­boratory tests, at maintenan­ce medications.

Paano mag-avail ng YAKAP benefits?

Maaaring magparehistro ang mga miyembro sa pamama­gitan ng:
1. Pag-download ng eGov mobile app at pagrehistro sa PhilHealth YAKAP.
2. Pagbisita sa PhilHealth Member Portal (www.philhealth.gov.ph).
3. Pagtungo sa pinakamala­pit na PhilHealth Local Health Insu­rance Office (LHIO).
4. Pag-enroll sa anomang PhilHealth-accredited primary care provider.

Babala: Para sa mga naka­raranas pa rin ng hirap sa pag­kuha ng reseta sa GAMOT, ma­­a­aring tumawag sa 24/7 Corporate Action Center sa (02) 8662-2588 o mag-email sa [email protected].

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here