Home ENTERTAINMENT Pangarap ni Kris kay Bimby, maging mayor!

Pangarap ni Kris kay Bimby, maging mayor!

Manila, Philippines- At an early age, kinakikitaan na si Bimby ng malaking promise bilang local executive.

Ang maging mayor pala ang pangarap ni Kris Aquino para sa kanyang pangalawa’t bunsong anak.

Asked why this is what Kris likes her son to be mayor: “Marunong kasi siyang makibagay at humarap sa tao!”

If ever, saan pa ba tatakbong alkalde si Bimby kundi sa Concepcion, Tarlac?

Dagdag pa ni Kris bilang papuri sa anak: “Saka honest siya. Alam kong hindi siya magnanakaw!”

Malaking bagay nga naman ang na-ingrain na values kay Bimby while growing up.

To top it all, wala ni katiting na record ang mga namunong miyembro ng Aquino pagdating sa korapsyon.

Kris also wishes that Bimby continues his studies abroad.

This is actually Kris’ dream for herself na hindi niya natupad.

Kaya tanong ni Kris sa vlog interview sa kanya ng kumpareng si Ogie Diaz: “I wonder what the trajectory of my career would have been if I studied abroad?”

Samantala, “sinopla” naman ni Bimby si Kris sa “old school” na dapat ay panunuyo nito sa babaeng napupusuan.

Suggestion kasi ni Kris: “Give her flowers!”

To which ang sagot ni Bimby ay: “Mama, hindi na uso ‘yon sa generation ngayon!”

For the record, dalawang girls ang bet ni Kris sa mga ipinakilala na sa kanya ni Bimby.

May the best–or better woman–win ba ang peg? Ronnie Carrasco III