Home NATIONWIDE Pangingisda sa Manila Bay ‘di maipapayo ng PCG kahit wala pang fish...

Pangingisda sa Manila Bay ‘di maipapayo ng PCG kahit wala pang fish ban

201
0

MANILA, Philippines- Hindi maipapayo ang pangingisda sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Manila Bay, ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo nitong Martes.

“We are a bit hesitant to allow, if ever, fishermen to. got out where while there is still an oil spill,” pahayag ni Balilo.

“We are not advising fishermen to fish when there is oil because of health hazards and consumers might suffer.”

Ayon sa opisyal, magbibigay ang PCG auxiliary ng food packs sa mga apektadong mangingisda.

Noong Hulyo 25, lumubog ang MT Terra Nova, may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil, sa Bataan, kung saan nasawi ang isang tripulante.

Sinabi ng PCG na nagsimula nang tumagas ang langis mula sa lumubog na tanker sa Manila Bay at katubigan ng Cavite at Bataan.

Sa kabila ng oil leak, hindi pa nagdedeklara ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng opisyal na fishing ban.

Sinelyuhan na ng PCG ang valves ng barko at nagkasa ng oil dispersants at barriers upang mapigilan ang oil spill. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here