Home METRO Pangunahing kalsada sa Maynila, lubog pa rin sa baha

Pangunahing kalsada sa Maynila, lubog pa rin sa baha

338
0

MANILA, Philippines – Nananatiling mataas ang baha sa ilang pangunahing kalsada sa lungsod ng Maynila.

Halos hanggang tuhod ang baha partikular sa bahagi ng Taft Avenue, mula Vito Cruz hanggang makarating ng Lawton.

Kapareho rin ang sitwasyon sa Morayta hanggang sa kahabaan ng España Blvd., kaya’t walang masyadong pampublikong sasakyan ang bumibiyahe.

Tuloy naman ang biyahe ng LRT-1.

Kaugnay nito, nag-iikot at patuloy na nakamonitor ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa sitwasyon at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga barangay at ibang institusyon.

Bawat barangay ay nakahanda na ang emergency response unit kung saan may ilang unibersidad din ang inilatag na ang mga kagamitan tulad ng rubber boat sakaling may mangailangan ng tulong lalo na’t tuloy-tuloy ang malakas na ulan sa Maynila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here