Home NATIONWIDE Panibagong arrest warrant inilabas ng Batangas RTC vs Atong Ang at iba...

Panibagong arrest warrant inilabas ng Batangas RTC vs Atong Ang at iba pa

195
0

MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng panibagong warrant of arrest ang korte sa Batangas laban sa negosyanteng si Atong Ang at iba pa na sangkot sa missing sabungeros, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, base sa kopya ng warrant of arrest ng Lipa City Regional Trial Court Branch 13, na pirmado ni Presiding Judge Pamela Torres Chavez Izon, nahaharap si Ang sa 6 counts ng kidnapping with homicide.

Wala ring inirekomendang piyansa o non-bailable ang kaso na isinampa laban sa kanya para sana sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nitong Huwebes, sinabi ng DOJ na maituturing nang pugante si Atong Ang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naisisilbi ang kanyang arrest warrant dahil hindi ito matunton at hindi pa sumusuko sa mga awtoridad.

Unang inisyuhan ng arrest warrant si Ang ng RTC Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna kasama ang iba pang sangkot sa nawawalang mga sabungeros sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious Legal detencion. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here