Home NATIONWIDE Villanueva ‘di kasama sa plunder case na inihain ng NBI sa anomalya...

Villanueva ‘di kasama sa plunder case na inihain ng NBI sa anomalya sa flood control

295
0

MANILA, Philippines – Hindi kabilang si Senador Joel Villanueva sa plunder case na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects.

Paglilinaw ni Justice Spokesman Atty. Polo Martinez, hindi kasama si Villanueva sa magkakahiwalay na plunder case kung saan kasama sina Senator Jinggoy Estrada, dating Senador Bong Revilla Jr at puganteng si dating congressman Zaldy Co.

Sa kabila nito, nahaharap pa rin sa reklamong malversation of public funds, bribery at iba pa na iniimbestigahan na ngayon ng DOJ.

Una nang naghain ng counter affidavit si Villanueva sa DOJ para pabulaanan ang pagkakasangkot niya sa maanomalyang flood control projects.

Giit ng senador, iginagalang niya ang due process kaya humarap siya sa preliminary investigation sa DOJ pero aniya ay katawa-tawa o ridiculous ang mga reklamong nagsasabing tumanggap siya ng porsiyento mula sa proyekto kontra baha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here