Home NATIONWIDE Paniniktik ng mga dayuhan, tatalupan ng PNP

Paniniktik ng mga dayuhan, tatalupan ng PNP

169
0

MANILA, Philippines – Inatasan ang Philippine National Police (PNP) na makipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies upang imbestigahan at bantayan ang umano’y intelligence-gathering activities ng ilang dayuhan kasunod ng serye ng pag-aresto na may kaugnayan sa alegadong espiya.

Ayon kay PNP chief na si Jose Melencio Nartatez Jr., pinaigting ng pulisya ang hakbang laban sa lumilitaw na trend ng espionage-related activities sa bansa.

“Our mandate to maintain peace and order includes a commitment to protect the interest of the Filipino people and the sovereignty of our country from any foreign threat,” ani Nartatez.

Nauna nang nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga insidente ay maaaring magdulot ng banta sa pambansang seguridad.

Noong Pebrero 20, inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Batangas ang isang Chinese national na umano’y nagkunwaring Pilipino at gumamit ng pekeng dokumento. Ayon sa awtoridad, gumamit siya ng iba’t ibang pagkakakilanlan upang makakuha ng mga dokumentong inilabas ng Pilipinas, kabilang ang pasaporte. Nahaharap din siya sa administratibong kaso sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code dahil sa material misrepresentation.

Samantala, noong Pebrero 12, isang 30-anyos na Mongolian national na umano’y may kaugnayan sa People’s Liberation Army (PLA) ang inaresto sa Zambales. Nag-enroll umano ito bilang aviation student ngunit hindi ibinunyag ang kanyang military background, kabilang ang jet fighter license mula sa PLA Air Force Aviation University.

Idineklara siyang undesirable alien matapos umanong kumuha ng aerial photographs ng Iba Airport at mga kalapit na lugar.

Sinabi ni Nartatez na makikipagtulungan ang PNP sa BI at AFP upang alamin kung may koneksyon ang mga naarestong dayuhan at tukuyin ang buong saklaw ng kanilang aktibidad.

“We will work closely with the Bureau of Immigration to verify whether these arrested foreign nationals are connected and to uncover the full scope of their activities in the country,” aniya.

Tiniyak ng PNP na nananatiling alerto ang mga awtoridad at prayoridad ang pangangalaga sa pambansang seguridad at soberanya ng Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here