Home ENTERTAINMENT Panty at bra nina Angeli at Robb, isasama sa museum ni Boss...

Panty at bra nina Angeli at Robb, isasama sa museum ni Boss Toyo!

Manila, Philippines – Nagkasundo sa presyong P7,500 si Boss Toyo at dalawang Vivamax stars na nagbenta ng mga gamit sa kanya.

Balak sanang ibenta nina Angeli Khang at Robb Guinto ang kanilang underwear sa nasabing negosyante-vlogger sa halagang P50k.

Itim na lingerie ang kay Angeli, bra’t panty naman kay Robb.

Kapwa nila ito isinuot sa pelikulang Unang Tikim.

Noong una’y tinawaran lang ng tig-iisang libong piso ang tatlong items.

Bale ba, once lang isinuot ni Angeli at Robb ang mga ‘yon.

Ang nakakatawa, bago bilhin ni Boss Toyo ang lingerie ay inamuy-amoy pa muna niya ito.

Tinawag din niya ang kanyang male staff para amuyin din ito.

Kuwela ang ginawang pagbebenta ni Robb dahil suot-suot niya ang panty’t bra.

Kaya ang tanong ni Boss Toyo, paano raw niya bibilhin ‘yon kung nasa katawan niya?

Walang kiyemeng hinubad ni Robb ang mga ‘yon at gustong ipaamoy sa male staff na nahiya naman.

Ang ending, the sale was consummated.

Kinailangan lang ni Boss Toyo na magpakuha ng larawan sa dalawang Vivamax stars para may pruweba.

Balak kasi niyang isama ang nabiling underwear sa kanyang bubuksang museo. Ronnie Carrasco III