Home NATIONWIDE Presidential office for child protection pinalilikha ni PBBM

Presidential office for child protection pinalilikha ni PBBM

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglikha ng Presidential Office for Child Protection sa gitna ng dumaraming OSAEC cases at kapakanan ng mga bata sa Pilipinas.

Nakasaad sa Executive Order No. 67 na ang POCP ay isasailalim sa Office of the President, na pamumunuan ng isang presidential adviser.

Wala pang impormasyon mula sa Presidential Communications Office kung sino ang itatalaga na mamumuno sa nasabing opisina.

Imo-monitor ng opisina ang mga polisiya ng pamahalaan para sa proteksyon ng mga bata at kanilang kapakanan.

Batay sa EO, makikipag-ugnayan ang POCP sa Council for the Welfare of Children hinggil sa paglikha o pag-update ng National Plan of Action for Children.

Tungkulin din nitong bantayan kung nakatalima ang bansa sa  international legal instruments ukol sa child protection. RNT/SA