MANILA, Philippines- Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggawad ng travel tax exemptions sa lahat ng mga biyaherong manggagaling sa international airports at seaports sa Mindanao at Palawan at patungo sa tatlong ASEAN destinations.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Memorandum Order No. 29, saklaw ang mga biyaherong patungo sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA).
“For reasons of national interest, in order to further sustain and accelerate economic development in Mindanao and Palawan, and as recommended by the House of Representatives pursuant to House Resolution No. 61 dated 21 March 2023, all travelers by air and or sea departing from all international airports and/or seaports in Mindanao and Palawan, and who are bound for any destination in the BIMP-EAGA are hereby exempt from payment of Travel Tax,” ani Marcos sa MO No. 29, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 6, 2024.
Epektibo ang exemption hanggang Hunyo 30, 2028.
Nilalayon ng kautusan na mapabilis ang economic development sa Mindanao at Palawan.
Saklaw din nito ang mga pasahero na mayroong kumpirmadong connecting flights mula Mindanao at Palawan papunta sa BIMP-EAGA sa loob ng 24 sa parehong araw, kapag walang available na direct flights mula sa pinagmulan ng mga pasahero.
Batay sa order, maaaring makakuha ng travel tax exemption certificate mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority. RNT/SA