Home NATIONWIDE Panukala sa P10K allowance sa public school teachers aaprubahan na lang ni...

Panukala sa P10K allowance sa public school teachers aaprubahan na lang ni PBBM

MANILA, Philippines – Malapit nang maisabatas ang panukala na naglalayon ng pagtataas sa taunang teaching allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan sa P10,000.

Ito ay makaraang maratipikahan ng Kamara ang proposed “Kabalikat sa Pagtuturo” Act.

Iniulat ni Senator Ramon “Bong” Revilla, chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, sa plenaryo ang bicameral conference committee report sa mga hindi napagkasunduang mga probisyon ng bersyon ng mataas at mababang kapulungan.

Ani Revilla, nagkasundo ang bicameral conference committee sa bagong pinaiksing titulo ng panukala at nirebisa ang original term sa allowance na “Teaching Supplies Allowance” at ginawang “Teaching Allowance.”

Ang bagong termino ay “able to more comprehensively cover the instruments for teachings,” paliwanag ni Revilla.

Kasunod ng ratipikasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ipadadala ang panukala sa Malakanyang para sa pag-apruba o pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. RNT/JGC

Previous article‘Di pagkumpiska sa Immigration cards ng mga dayuhan sa mga nilusob na POGO, kinwestyon ni Gatchalian
Next article8 suspek na nagpanggap na konektado sa First Lady, timbog sa pangongotong