Home NATIONWIDE Panukala sa pagpapalakas ng law school sa Eastern Samar inihain sa Kamara

Panukala sa pagpapalakas ng law school sa Eastern Samar inihain sa Kamara

109
0

MANILA, Philippines – Sa hangarin na mapalawig ang legal education sa Samar, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara nina Eastern Samar Rep. Christopher Sheen Gonzales at 4PS Partylist Rep Marcelino Libanan na nagsusulong na mabigyan ng institutional at academic support ang Eastern Samar State University College of Law sa Borongan City.

Sa inihaing House Bill No 7578 ay  binigyang halaga  ng mga mambabatas ang mataas na passing rate sa bar exams ng ESSU, iginiit nito na kung bibigyan pa ng dagdag na pondo ang unibersidad para sa pagpapalakas ng kanilang College of Law at tiyak na de kalibreng mga abogado ang magtatapos dito.

Nakapaloob sa panukala ang hiling na magkaroon ng regular faculty positions, pagtatalaga ng dean, pagsasaayos ng pasilidad at dagdag na pondo para makasabay ang ESSU sa iba pang law school sa bansa.

“The strengthening of ESSU’s College of Law is an investment in our people and our future. We need more lawyers who are not only competent and ethical, but also deeply committed to serving marginalized and underserved communities,” pahayag ni Gonzales.

Iginiit pa ni Gonzales na kung maiaayos ang ESSU ay maraming law students ng Samar ang hindi na aalis pa ng lalawigan para mag-aral ng abogasya.

“ESSU has shown that quality legal education can thrive outside major urban centers. By strengthening its College of Law, we are ensuring that more students from Eastern Samar and nearby provinces can pursue legal education without having to leave their communities,” dagdag pa nito.

Aminado si Gonzales na nalilimitahan ang paglago ng ESSU College of Law dahil na rin sa limitadong budget, umaasa ito na sa inihaing panukala ay mabibigyan ito ng pansin upang matugunan ang pangangailan pangunahin na ang pagestablisa ng regular plantilla positions para sa law professors, pagsasaayos ng mga classroom, library  at research facilities. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here