Home HOME BANNER STORY Panukalang batas sa 6 taong termino ng barangay officials inihain sa Senado

Panukalang batas sa 6 taong termino ng barangay officials inihain sa Senado

MANILA, Philippines – Inihain sa Senado ang isang panukalang batas na naglalayong palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay sa anim na taon mula sa tatlong taon.

Sa ilalim ng Senate Bill 2629 na inihain noong Abril 8, lahat ng halal na opisyal ng barangay ay magsisilbi ng anim na taon at hindi dapat magsilbi ng higit sa dalawang magkasunod na termino sa parehong posisyon.

“The present term of three years is far too short for these officials to see their own projects through, since they spend the greater portion of their terms implementing the policies and projects of the National Government and as well as those of the city, municipal, or provincial government units,” saad ni Senator Imee Marcos said sa kanyang explanatory note.

Itinatakda ng panukalang batas ang susunod na barangay elections sa huling Lunes ng Oktubre 2029 at bawat anim na taon pagkatapos.

Si Marcos ang namumuno sa Senate committee on electoral reforms and people’s participation.

Ayon sa kanya, sapat na ang anim na taon para sa mga barangay officials na sumunod sa mga utos na ibinigay ng national government at LGUs pati na rin ang pagpapatupad ng sarili nilang mga proyekto.

Dagdag pa nito, sinabi niya na ang pagpapalawig ng termino ay magbibigay-daan sa gobyerno na makatipid, idinagdag na ang kasalukuyang badyet para sa halalan sa barangay ay nasa P18 bilyon.

Nauna nang sinabi ni Marcos na pabor siya sa pagpapalawig ng termino ng mga opisyal ng barangay at miyembro ng Sangguniang Kabataan. RNT