Home NATIONWIDE Panukalang magtitiyak ng trabaho sa retired employees pasado na sa Kamara

Panukalang magtitiyak ng trabaho sa retired employees pasado na sa Kamara

MANILA, Philippines – Hindi natatapos sa retirement ang trabaho ng  senior citizens dahil kahit retirado na ay maaari pa rin itong makapagtrabaho kung kanilang gugustusin.

Ito ang siyang target ng ipinasang House Bill 10985 o Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities’ Incentives Act ng Kamara.

Sa botong 173 pabor ay pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nqglalayon na masiguro na mayroon pa rin employment opportunities ang mga senior citizens kahit pa man naabot na ang retirement age.

“Retired or elderly individuals should not just be left to fend for themselves or depend entirely on their monthly pension. It’s about time we help ensure automatic employment allocation for Filipinos aged 60 years old and above,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez matapos maipasa sa Kamara ang panukala.

“They (senior citizens) should also be given the opportunity to be given post-retirement careers, like for example doing menial jobs that are not physically strenuous. Let’s allow them to be still productive citizens of the country. If advanced economies can do it, why can’t we?” giit pa ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na hindi dapat limitahan ang mga seniors at hayaan sila na mag enjoy.

Sa oras na maisabatas aamyendahan HB 10985 ang Republic Act 7432.

Aatasan ang Department of Labor and Employment- Employment Service Offices (DOLE-PESO) na syang magpatupad ng panukala.

“All government agencies and private entities shall institute an employment program that promotes the general well-being of senior citizens and ensure access to employment opportunities to those who have the qualifications, capacity, and interest to be employed,” nakasaad sa panukala.

Ilan sa maaring maging trabaho ng mga retirees ay clerical o secretarial works, consultancy, cleaning o janitorial services, event organizing, teaching, kitchen help, sales assistance, BPO at iba pang volunteer.

Ang sinumang private companies na maghihire ng mga retired employees ay bibigyan ng gobyerno ng 25% deduction sa kanilang gross income bilang incentive. Gail Mendoza