Home NATIONWIDE Barbers umalma; pagdawit sa illegal drugs, fake news

Barbers umalma; pagdawit sa illegal drugs, fake news

MANILA, Philippines – Inalmahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mga malisyosong report na nag uugnay sa kanya sa illegal drug trade na malinaw umano na fake news na naglalayon lamang na gibain sya sa harap na rin mg kanyang pamumuno sa House Quad Committee.

“I am an anti-illegal drugs advocate, but now, I am now considered as a drug lord,” paliwanag ni Barbers.

Inamin ni Barbers na batid nya kung saan nanggagaling ang paninira laban sa kanya na ang tanging layunin ay siraan sya para maalis ang kredibilidad ng QuadComm.

Ang QuadComm ang syang nag iinbestiga sa anti-illegal drug drive noong Duterte administration.

“Hindi po ako lang, hindi naman po ako ang quad-comm. Ako lamang po ang isa sa mga kasamahan ng ating mga magagaling na co-chairs,” pahayag ni Barbers kung saan sinabi nito na bilang isang political personality ay hindi rin sya ligtas na maging biktima ng fake news.

Si Barbers ay nasa kanya nang ikatlo at huling termino bilang kongresista at sya ang pinakamatagal na naging Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

“I’ve been fighting this drug war for several decades, since I became a poltician in 1995 until now, I’ve been an anti-illegal drug advocate. It’s just now, this year, that I’ve been considered a high-value target,” pagtatapos pa ni Barbers. Gail Mendoza