Home NATIONWIDE Panukalang regulasyon tulong sa coop banks aprub sa Kamara

Panukalang regulasyon tulong sa coop banks aprub sa Kamara

MANILA, Philippines – Sa botong 206 pabor at walang pagtutol, aprub na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magre-regulate sa mga aktibidad ng mga cooperative bank (CB).

Sa ilalim ng inaprubahang House Bill 8265 papayagan ang mga foreign cooperative na sumali sa kondisyon na hindi maaaring mag-may-ari ang mga ito ng mahigit 40% ng kabuuang outstanding voting share ng lokal na cooperative bank.

Ang mga organisasyon na mayroong hindi bababa sa 15 kooperatiba na nakarehistro sa ilalim ng Cooperative Code ay papayagan na magrehistro ng CB sa Cooperative Development Authority (CDA) kapag kanilang nakompleto ang mga requirement na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“This bill provides for the establishment, management, and regulation of cooperative banks under the supervision of the BSP as primary regulator, conformably with the provisions of the General Banking Law of 2000. The Cooperative Development Authority is also tasked to monitor compliance by cooperative banks with cooperative laws, rules, and regulations,” paliwanag ni House Speaker Martin Romualdez.

Ani Romualdez layon ng panukala na mahikayat ang maraming Pinoy na sumali sa mga kooperatiba at bumuo ng cooperative banks sa hangarin na rin na ang credit facilities nito ay may mas mababang interes na maaaring pagkunan ng publiko.

“The long-term goal of this relevant law is to help cooperatives and Filipinos attain financial independence and achieve their aspirations.”paliwaag ni Romualdez.

Sa ilalim ng HB 8265, ang mga CB ay pinapayagan na magbigay ng iba’t ibang serbisyong pinansyal gaya ng pagpapa-utang, pagtanggap ng deposito, discounting at rediscounting, correspondent banking, pagpasok sa debt security at palitan ng pera.

Nililimitahan naman ang maaaring ipautang ng CB sa 25 porsyento ng kapital at surplus nito. Ang mga CB ay ililibre rin sa mga national at local tax. Gail Mendoza