Home METRO Prayer rally na dinaluhan ni Digong, ‘di ko hinarang – Dumaguete mayor

Prayer rally na dinaluhan ni Digong, ‘di ko hinarang – Dumaguete mayor

DUMAGUETE CITY- MARIIN itinanggi ni Dumaguete City Mayor Felipe Remollo na hinarang nito ang rally na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Martes at mga taga-suporta nito.

Giit ni Remullo, sa kabila ng hindi malinaw ang ibinigay sa kanilang sulat ng isang Rev. Pastor Ed Samson na magsasagawa lamang sila ng prayer rally at binigyan sila ng permit.

Subalit, ilang araw muli sila ng nakatanggap na bagong sulat para chief of police ng lungsod na humihingi ng karagdagang pwersa dahil sa mga dadalong politiko kabilang ang dating pangulong Duterte.

Aniya, dahil sa hindi kahandaan ng lahat ng sangay ng lungsod para sa preparasyon dahil sa inaasahan aabot umano ng 20,000 ang mga dadalo.

Muling binawi ang permit na kanilang ibinigay at sinabing gumawa sila ng panibagong permit at linawin na hindi prayer rally ang magaganap kundi isang political rally.

Samantala, naging matagumpay naman ang ginanap na “Maisug prayer rally” sa Quezon Park sa nasabing lungsod na dinaluhan ni dating Pangulong Duterte, Harry Roque at iba pa nilang supporters./Mary Anne Sapico