Home METRO Suspension order sa MisOcc mayor kinilala ng DILG

Suspension order sa MisOcc mayor kinilala ng DILG

MANILA, Philippines – KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ipinataw na suspension order ng Misamis Occidental provincial board kay Bonifacio town Mayor Samson Dumanjug.

Tinukoy ang Administrative Order 22, series of 2011, sinabi ng DILG na ang suspension order of the Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) ay dapat na iapela sa Office of the President (OP) sa loob ng 15 araw mula sa notice ng kautusan.

“However, Mayor Dumanjug did not file an appeal. The 2023 Suspension Order against Mayor Dumanjug thus became final and executory. Further, there was no stay of execution issued by any proper office or court. In recognizing the Suspension Order, the DILG complied with and followed the law,” ayon sa kalatas ng departamento.

Nito lamang nakaraang Martes, humarap si Occidental Gov. Henry Oaminal sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs para sa pagdinig na ipinatawag ni chairman Senator Ronald dela Rosa.

Ang dahilan ng pagtawag para sa imbestigasyon ay ang letter complaint ng mag-asawang Dumanjug ukol sa di umano’y hindi makatao at violent treatment ng local police officers at local government executives sa kanila nang paalisin sila mula sa municipal hall building noong Hunyo 16.

Sinabi ni Oaminal na napilitang gumagamit ng dahas ang law enforcement agents para ipatupad ang suspension order kay Dumanjug at sa asawa nito na si Vice Mayor Evelyn Dumajug , para maipagpatuloy na ang pagbibigay ng basic services sa kanilang mga constituents.

Sinabi ni Oaminal sa mga senador na ikinulong ng mga Dumanjug ang kanilang mga sarili sa mayor’s office simula Mayo 30 matapos niyang ipag-utos ang pagseserbisyo ng preventive suspension order na ipinalabas ng Sangguniang Panlalawigan of Misamis Occidental na may kaugnayan sa Administrative Case 01-23 o case of betrayal of public trust laban sa mag-asawa.

Matatandaang noong Hunyo 7, sinabi ni Oaminal na nagpalabas ang DILG Region 10 ng memorandum na kinikilala si Ricky Bulahan bilang acting municipal mayor ng bayan ng Bonifacio.

Suportado ito ng liham na may petsang Hunyo 9 2023, mula sa DILG Central Office sa Quezon City.

Ang kaso ay nag-ugat mula sa administrative complaint na isinampa laban sa mag-asawang Dumanjug noong nakaraang September 2022 para sa “abuse of authority, dishonesty, at grave misconduct for the procurement of excavators and garbage compactor trucks” na sinasabing di umano’y overpriced. Kris Jose