Home NATIONWIDE PAOCC: Alice Guo pwedeng maging state witness kung..

PAOCC: Alice Guo pwedeng maging state witness kung..

MANILA, Philippines- Ikokonsidera ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na gawing state witness ang suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice bilang state witness kung ituturo nito ang  isang tao na mas mataas kaysa sa kanya. 

“Any state witness for that matter will have to be the least guilty in the entire conspiratorial chain in the commission of a crime,” ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio.

“We wouldn’t be open to that discussion until and unless we get higher on the food chain in relation to the crime that this group has committed,” dagdag na wika ni Casio. 

Subalit, idinagdag pa nito na “the way we appreciate the evidence on hand of what we have now so far as of this time she is not the least guilty.”

Nang hingan ng komento, sinabi ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na: “Mayor Alice never insinuated anything about being a state witness for the simple reason that she is not involved in any Philippine Offshore Gaming Operators  (POGO) operation.”

“She used to be the former owner of the land where the Baofu Land Development constructed several structures… one of the buildings was leased to Zun Yuan Technology, the POGO company… As far as Mayor Alice is concerned, she is only the previous President of Baofu Land, the lessor,” ayon pa rin kay David 

Si Guo ay nasa sentro ng imbestigasyon hinggil sa sinalakay na POGO hub sa Bamban kaugnay ng umano’y  illegal activities gaya ng human trafficking, torture, at scamming.

Nadawit din ang Bamban mayor sa sinalakay na POGO hub matapos matuklasan an ilang dokumento na nagpapakita na siya ay personal na sangkot sa pagpoproseso ng mga dokumento sa operasyon nito.

Si Guo ay pinaghihinalaang bahagi ng criminal syndicate na ino-operate ng Chinese nationals. Kris Jose