Home HOME BANNER STORY PAOCC may ideya na sa source ng leak sa POGO raid

PAOCC may ideya na sa source ng leak sa POGO raid

MANILA, Philippines – May lead na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa kung sino ang posibleng mga source sa umano’y leak sa planong raid sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

“Meron na kaming mga leads na nakuha nitong nakaraang tatlong araw,” pahayag ni PAOCC spokesperson Winston Casio nitong Sabado, Hulyo 6.

Pinalutang ni Casio ang posibilidad ng leak nang magresulta lamang ang operasyon sa Porac POGO hub sa nasagip na 158 dayuhan. Mas kakaunti ito sa pinaniniwalaang 1,000 dayuhan na nagtatrabaho sa offshore gaming.

Sinabi ng PAOCC official na sa Lunes, Hulyo 8 ay makikipag-ugnayan sila sa iba pang ahensya ng pamahalaan na kabilang sa mga nagsagawa ng operasyon sa POGO upang ibahagi ang mga lead na mayroon sila.

“Para sila yung bumaybay kung saan patungo yung leads na ‘yun,” ani Casio.

“We will give them the leads then we will allow the agencies to do the investigation,” dagdag niya.

Sa kabila ng ulat ng mga katawan ng siyam na dayuhan na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Pampanga, sinabi ni Casio na humiling na ang PAOCC sa Pampanga Police District na mabigyan ang ahensya ng kopya ng report.

Mahigpit na tinututukan ng PAOCC ang mga balita tungkol dito “as I got three calls already, one from the Malaysian Embassy, another from China, and another from Vietnam.”

“We would like to find out… as one of the embassies said how the Pampanga police were able to arrive at the conclusion that x number of bodies were actually Chinese nationals,” sinabi ni Casio.

“According to [one] embassy they have not received any communication from the Pampanga police in relation to those bodies. Remember Chinese nationals can look like Singaporeans, Malaysians and even Taiwanese,” dagdag pa nito. RNT/JGC